• Radyo Pilipino News Team

Task Group para sa mga OFW, Sinimulan ng DOLE


Upang mapaigting ang seguridad ng mga Overseas Filipino Workers, sinimulan na ng Department of Labor and Employment ang isang task force para sa mga Pilipinong galing sa iba't ibang bansa at kasalukuyang nagnanais na umuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na makatutulong ang grupong ito na matutukan ang mga OFW na kasalukuyang nasa ilalim ng quarantine measures.

Kasabay nito, itinalaga ng DOLE ang isa pang task force para naman sa mga Pilipinong manggagawa maaari nang lumipad palabas ng bansa.

Samantala, layon din ng task group na ito na masigurong hindi mawawalan ng trabaho ang mga OFW habang patuloy na nagsasagawa ng quarantine measures ang mga awtoridad.