• Admin

Tatlong UFO Videos, Inilabas ng Pentagon

Naglabas ng tatlong video footage ang U.S. Department of Defense Building Pentagon na nagpapakita ng mga di umano’y UFO sightings na na-encounter ng mga U.S. Navy Pilots sa kanilang paglipad taon 2004 at 2015.

Ayon sa Pentagon, nirelease nila ang mga video upang malinaw sa publiko kung totoo o hindi ang kumakalat na footage.

Ngunit iginiit naman ni Former Nevada Senator Harry Reid sa kanyang tweet na natutuwa daw siya dahil sa wakas ay naisapubliko na ang mga video.

Gayunpaman, sinabi ng Pentagon na ang mga aerial phenomena na ipinapakita sa mga video ay nananatiling parin ‘unidentified’.




7 views