• Tj Ovivir

Tax Amnesty, Muling Inextend ng BIR Hanggang December 31


Dahil sa patuloy na pagbabago ng kalagayan sa iba't ibang bahagi ng bansa dulot ng COVID-19, inanunsiyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pag-extend sa tax amnesty hanggang December 31 para sa mga mamamayang nagbabayad ng kinakailangang buwis.

Bagaman ilang beses nang naipalipat-lipat ang BIR tax due date, hindi ito naging malaking usapin para sa kagawaran dahil patuloy nilang isinasaalang-alang ang epekto ng pandemya sa bansa.

Samantala, bumagsak sa kalahati o 50% ang mga nakolektang buwis ng BIR at Bureau of Customs ngayong buwan ng Mayo.