Tax sa Junk Foods para sa COVID-19 Funds, Nais Ipanukala ng Ilang Senador

Dahil sa patuloy na pangangailangan upang magbigay ng subsidies sa mga 'nasa laylayan' at posibleng pagtaas ng fiscal deficit sa bansa, nagnanais ang ilang mambabatas na magtalaga ng buwis sa pagbili ng junk-foods upang makadagdag 'di umano sa budget ng pamahalaan at makaraos sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ipinahayag ni Senator Sherwin Gatchalian, vice chairman ng the Senate committee on Economic affairs na makatuwiran lamang na patawan ng sin tax ang junk-foods dahil wala itong masustansya at pakinabang na dulot sa mga kabataan, at sanhi ito ng iba't ibang mga komplikasyon sa kalusugan gaya ng obesity at sakit sa puso.
Nakatakdang taasan ng Department of Finance ang sin tax para sa alcohol at tobacco cigarettes kaya tinakda ng kagawaran na nasa P333.2 billion ang maaaring malikom ng pamahalaan sa naturang buwis ngayong taon bago ang pandemya.
Dahil sa pag-atake ng COVID-19, inaasahang bababa ang numerong ito kaya naman isang katalinuhan 'di umano na patawan ng buwis ang junk-foods para sa ekonomiya ng bansa.