Tax sa mga Digital Services, Sinusuri ng House Ways and Means Committee
Iminungkahi ni Albay Representative Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means committee ang pagpapatong ng buwis sa mga digital services, gaya ng mga subscription sa mga video ang music applications, online shops at paglalagay ng ads sa social media.
Tinatayang makalilikom ang gobyerno ng P120 billion sa digital services tax na ito at mababawi ang pondong maaaring mawala sa bansa dahil sa pagbaba ng corporate income tax mula sa 30% papunta sa 25%.
Sinabi ni Salceda na sa kasalukuyan, ang mga subscription fee sa mga streaming apps gaya ng Netflix at Spotify ay hindi pinapatawan ng buwis ng gobyerno. Samantala, maaaring magpatupad ng 12% na buwis ang gobyerno sa mga apps na ito.
Dagdag pa ng mambabatas, ang tax ng mga advertising sa social media ay dedepende sa dami ng kita ng kompanya sa pagdidisplay ng nasabing ads.
Ngayong taon, nakaabot ng P260 billion ang e-commerce sa bansa, at kung mayroong value added tax o VAT, posibleng umabot sa P30 billion ang buwis.
