• Estephany Rivera

Teachers’ Group, Nagpakita ng Suporta sa Pagpapaliban ng School Opening


Ipinakita ng isang teachers’ group ang kanilang suporta sa desisyon ng Department of Education (DepEd) na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng school year 2020-2021 na dapat ay nakatakda sa Agosto 24.

Kinilala ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) National Chairman Benjo Basas ang mga mambabatas at government officials na sumuporta sa postponement ng school opening.

Ayon kay Basas, nagpapasalamat ang grupo sa mga ito sa pakikinig nila sa boses ng mga guro na nababahala sa kakulangan ng pagiging handa ng DepEd sa gagawing distance learning.

Pinirmahan naman na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang memorandum na nag-uusog sa pgabubukas ng klase sa Oktubre 5.