top of page

Team ni Ravena sa Japan, Bigo na Masungkit ang Panalo sa Unang Laban sa Japan League


Photo from Instagram/Thirdy Ravena

Malaking bagay si Thirdy Ravena sa San-en NeoPhoenix team kaya pilit na kinuha siya bilang import ng naturang koponan para sa Japan League.

Sumalang agad sa laban ang team ni Ravena, subalit hindi kasama dito ang dating star player ng Ateneo Blue Eagles dahil inaayos nya pa ang kanyang Japan visa.

Kaya naman, sa unang laban ay nakalasap agad ng talo ang NeoPhoenix laban sa China Jets, 83-65 sa 2020-2021 Japan B League na ginagawa sa Hamamatsu Arena.

Tanging si Takanobu Nishikawa ang inasahan sa NeoPhoenix na umiskor ng 21 points, 4 rebounds at apat na assists.


Naghihintay na lang sa visa si Thirdy upang makatulong sa kanyang team.

Gayunman, sakaling dumating na ang visa ng player, hindi agad itong makakapag laro dahil kinakailangan niya rin sumunod sa protocols na magpa swab test at quarantine bago sumabak sa laban.

bottom of page