TESDA, Gagawa ng 50 Million Free Reusable Face Masks

Nakatakdang gumawa ng tinatayang 50 million face masks ang Technical Vocational and Skills Development (TESDA) sa loob ng apat na buwan bilang proteksyon kontra sa sumisipang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit sa bansa, ang washable face masks na hatid ng TESDA ay ipamamahagi ng libre sa publiko, ayon kay TESDA deputy chief director Ancierto Bertiz III.
Sakaling matapos na ang produksyon ng mga naturang face masks, makikipagtulungan ang ahensya sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa distribusyon nito.
Ani Bertiz, magmula nang lumaganap ang pandemya sa bansa ay namamahagi na aniya ang kanilang ahensiya ng libreng face masks para sa mga COVID-19 frontliners gaya ng medical workers, police officers at volunteers maging ang mga umuuwing Filipino migrant workers.