‘Three Gives Law’ Inihain sa Kongreso

Inihain ni Senator Francis Tolentino sa kongreso ang ‘Three Gives Law’ na layong bayaran ng ‘3 gives’ ang basic utility bills gaya ng ilaw, tubig at iba pa tuwing nasa state of calamity ang bansa.

Sa Senate Bill 1473 o ang tinatawag na “Three Gives Law” na inihain ng senador ay nakapaloob na gawing tatlong hulog o bigay ang babayarin sa bahay na aabot sa due date sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine o iba pang calamities at emergencies na posibleng maranasan.

Ayon kay Tolentino, layunin ng panukala na maitaguyod ang pangkalahatang kapakanan ng mga tao at magpagaan sa mga pasanin ng mga Pilipino sa kabila ng laganap na pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.



0 views