Tiktok, Kasali sa Chinese Apps na Banned sa India

Ipinagbabawal na ng Indian Government ang 59 Chinese-based applications kabilang na ang Tiktok, WeChat, Shareit, at Bigo Live, dahil banta umano ito sa soberanya at seguridad ng bansa.
Ayon sa inilabas ng Ministry of Information Technology ng India, nakatanggap raw ang ahensiya ng reports na ginagamit ang mobile apps sa pagnanakaw at maling paggamit ng users’ data sa mga lugar sa labas ng bansa.
Ang pagbaban ay ang hakbang ng bansa upang masiguro at maprotektahan raw ang privacy at data security ng mahigit 1.3 billion Indians.
Samantala, Kailan lang ay nasawi ang 20 Indian soldiers pagkatapos makipagsagupaan sa mga Chinese na sundalo sa estern Ladakh sa Himalayas.