Tokyo Olympics Posibleng Tuluyan ng Kanselahin

Posibleng tuluyan ng ipagpaliban ang Tokyo Olympics sakaling may banta parin ng nakamamatay na COVID-19 sa susunod na taon.


Ayon kay Tokyo 2020 organizing committee president Yoshiro Mori, kung magpapatuloy parin ang krisis na kinakaharap hanggang sa susunod na taon ay imposible na aniyang ituloy pa ang Olympics.

Una narin sinabi ng Japan Medical Association na mahirap ipatupad ang Olympics sa susunod na taon lalo kung wala pang nakikitang vaccine.

Matatandaan napilitang ipagpaliban ng isang taon ng mga Japanese organizers at ang International Olympic Committee ang Summer Games dahil sa pagkalat ng coronavirus sa buong mundo at dahil na rin sa pressure mula sa mga atleta at mga sports associations.



3 views