“Tondominium” Public Housing Project, Uumpisahan Na!

Sa tulong ng lokal na gobyerno ng Maynila, maisasakatuparan na ang dalawang housing building o mas kilala sa tawag na ‘Tondominium’ bilang public housing project ng lungsod para sa tinaguriang ‘biggest and most densely populated slum area’ sa bansa, ang Tondo.
Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey-Lacuna Pangan ang isinagawang ‘groundbreaking ceremony’ ng Tondominium 1 at 2 sa Vitas, Tondo.
Aabot sa higit kumulang isang bilyon ang dalawang housing building na itatayo at tinatayang P496,367,495.93 ang Tondomium 1 at P498,348,932.55 naman ang Tondominium 2.

Kasya ang 336 na pamilya sa loob ng dalawang gusali na may 44 metro kuwadrado ang laki ng bawat unit.
Ayon sa Public Information Office ng Maynila, aabutin ng dalawang taon ang konstruksyon ng gusali bago ito matapos.
Bukod dito ay plano rin ng local government ng Manila ang pagtatayo ng ‘Binondominium’ sa ilalim ng #BuildBuildManila program ng lungsod.