• Malou Manuel

Topex Robinsons, Head Coach na ng Phoenix


Photo from PBA

Tuluyan nang itinalaga bilang head coach ng Phoenix Super LPG Fuelmaster si Interim Coach Topex Robinson ng team.


Si Robinson ay pansamatalang humalili kay Coach Louie Alas ng hindi na ito nirenew ng management noong September 11 ng taong kasalukuyan.


Ayon sa management ng Fuelmaster, nakita nila sa katauhan ni Coach Robinson na makamit ng koponan ang kanilang inaasam asam, at patuloy na madevelop nito ang teams sa pagpapanalo.

Mula nang pumasok sa PBA Bubble ang Phoenix ay maganda ang ipinakita ng team kung saan may record sila ngayon na 4-3 panalo-talo.

Si Robinson ay dating head coach ng Lyceum sa NCAA, na maganda rin ang ipinakita mula nang pangunahan niya ang Unibesidad. Manatili pa rin si Coach bilang Consultant at Sports Director ng Lyceum.

Sa unang pagkakataon ngayon lamang naging Head Coach sa PBA ang tubong Olongapo City, na naging Assistant Coach muna sa Alaska Aces.