Total Lock Down Ipatutupad Para sa mga Aso at Pusa sa Amerika
Nais ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na magkaroon ng total lockdown sa mga aso at pusa sa buong Estados Unidos.
Ginawa ng CDC and rekomendasyon kasunod ng anunsyo ng US Department of Agricultures's National Veterinary Services Laboratories na nagpositibo sa corona virus ang dalawang pusa sa magkahiwalay na lugar sa New York.
Base sa contact tracing ng CDC napag-alaman na posibleng nakuha ng unang pusa ang virus sa pamamagitan ng human transmission dahil wala naman infected ng corona virus sa bahay kung saan nakatira ang pusa.
Nahawa naman umano and ikalawang pusa sa kanyang amo na positibo sa corona virus.
