• Estephany Rivera

Tourist Hot Spot sa Bali, Magbubukas na para sa Dayuhan



Inanunsiyo ng Bali Government sa Indonesia ang muling pagbubukas ng world-famous tourist hotspot para sa mga turistang dayuhan simula Setyembre 11.

Sinabi ni Bali Governor I Wayan Koster na naghanda ang kanilang pamahalaan ng tatlong-yugtong plano, na nag-umpisa noong Hulyo 9, para sa muling pagbubukas ng international borders ng isla.

Ipinaliwanag din ni Koster na nagtakda na ang Bali government ng mga health protocols sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

Hinihingan din ng negative COVID-19 test results ang mga international tourists bago bumiyahe pa-Bali.

Ipinahayag ni Koster na bibigyan din pansin ang mga local tourists