top of page

Training ng mga Student-Athletes, Pinayagan na ng IATF sa mga GCQ, MGCQ Areas


Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pag-eensayo ng mga student-athletes sa mga lugar na sa ilalim ng General Community Quarantine GCQ) at Modified GCQ (MGCQ).

Batay sa IATF resolution no. 68, pwede na ulit ipagpatuloy ng mga atleta sa kolehiyo ang kanilang pag-eensayo, ngunit inaasahan ang pagsunod ng mga ito sa mga health protocols at guidelines ng gobyerno at sa mga panuntunang maaaring ilabas ng Commission on Higher Education (CHED).

Nanawagan naman ang CHED, Department of Health (DOH), Philippine Sports Commission (PSC), at Games and Amusements Board (GAB) sa mga opisyal ng collegiate teams na panatilihing ligtas ang mga atleta ngayong pandemiya.

Ito’y matapos kumalat ang kontrobersiya ng sikreto at bawal na pag-eensayo ng isang koponan sa Sorsogon kahit pa pinagbabawal to ng IATF.

Ang Iligan City na lamang, sa buong bansa, ang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

bottom of page