top of page

Transparent na Palikuran, Tampok sa isang Park sa Tokyo


Photo from Nippon Foundation.

Marami ang nagulat nang ianunsiyo ni Japanese architect Shigeru Ban ang pagbubukas ng dalawang transparent public toilets na matatagpuan sa Yoyogi Fukamachi Mini Park at Haru-no-Ogawa Community Park sa Tokyo, Japan.

Nilinaw naman ni Ban na walang dapat ikabahala ang mga tao dahil nagiging opaque

ang transparent na dingding ng toilets kapag ito ay okupado ng isang tao.

Ipinaliwanag ni Ban sa Tokyo Toilet Website na hindi lamang masisiguro ang kalinisan

ng mga palikuran, kundi malalaman din ng mga gustong gumamit nito kung mayroon

bang tao sa loob o wala.

Nakapagtayo na ng limang palikuran ang The Tokyo Toilet mula sa 17 target

makabagong comfort rooms na nais matapos ng nasabing proyekto.

Ayon sa The Tokyo Toilet, ang toilets raw ay isa sa mga simbolo ng sikat na kultura ng

hospitalidad ng Japan.

Kasama ng Tokyo Toilet sa proyektong ito ang Nippon Foundation at Shibuya City Government, at Shibuya Tourism Association.

bottom of page