Tricycle at Padyak Bawal pa rin sa mga Pangunahing Lansangan sa Ilalim ng GCQ at MGCQ

Pinaalala ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbabiyahe ng mga tricycle at pedicab (padyak) sa national roads, bago pa man itakda ang general community quarantine (GCQ) o modified general community quarantine (MGCQ) sa bansa.
Binanggit din ni Malaya ang mga batas na nagpapatibay sa pagbabawal tulad ng Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code at DILG Memorandum Circulars (MCs) 2020-036, 2020-004, 2011-68, and 2007-1.
Sinabi ng DILG spokesperson na pwede lamang gamitin ng mga tricycle at padyak ang mga secondary roads at mayroon lamang dapat isang pasaherong sakay.
Sa kabila ng mga batikos, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang kaligtasan ang publiko pa rin ang prayoridad ng gobyero sa krisis.