top of page

Tsinelas na Gawa sa Algae, Binida ng mga Scientists sa California


Photo from Instagram/algenesismaterials

Ilang taon ang ginugol ng mga researchers sa University of California San Diego bago matagumpay na mabuo ang isang tsinelas na gawa sa algae o mga mala-lumot na halamang tumutubo sa tubig.

Sa pakikipagtulungan kasama ng Algenesis Materials, kinuha ng mga manananaliksik ang langis mula sa algae upang buoin ang solid mala-foam na materyales ng tsinelas na walang masamang epekto sa kalikasan.

Nakatakdang ilabas ng isang major brand ang biodegradeable na tsinelas at umaasa ang team na mababawasan nito ang mga plastic na napupunta sa karagatan at landfill sites.

Sinabi ni Stephen Mayfield, isa sa mga project leaders, na mahigit sa isang bilyong tsineslas ang ginagawa kada taon at malaking porsyento ng mga ito ang nauuuwi sa plastic pollution.

bottom of page