• Estephany Rivera

Tubig mula sa isang Creek sa Calamba Laguna, Nagpositibo sa Poliovirus


Photo is for illustration purposes only.

Binalaan ng mga lokal na opisyal ang mga residente ng Barangay Bucal sa Calamba City, Laguna na iwasan ang pagpunta sa Ligasong Creek matapos magpositibo sa poliovirus ang water samples mula rito.

Sinabi ni Calamba City Health Officer Dennis Labro na sinuri ng Department of Health (DOH) ang iba’t-ibang daanan ng tubig sa probinsya, simula Oktubre ng nakaraang taon, nang makuha ng isang limang taon batang lalaki ang sakit.

Nilinaw naman ng lokal na pamahalaan at Calamba Water District na galling sa ibang groundwater source ang sinusuplay na tubig sa mga kabahayan at walang dapat ikapagbahala ang mga residente.