Tulong ng Gossipmonger O ‘Tsismosa’, may Malaking Papel sa Contact Tracing ng Central Visayas

Mariing ikonokonsidera ni Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7) Director Albert Ignatius Ferrero ang tulong ng mga gossinpmonger o ‘tsimosa’ para sa COVID-19 contact tracing ng kanilang rehiyon dahil aniya hindi lamang resposibilidad ito ng mga otoridad kundi ng lahat.
Hinimok ni Ferrero ang mga publiko na makiisa sa contact tracing ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit at upang mapanatili ang pagtutulungan ngayong panahon ng pandemya.
Hindi ito ang kauna-unahang beses na gamitin ang mga ‘tsismosa’ bilang bahagi ng COVID-19 contact tracing ng isang rehiyon sapagkat ginagawa na rin ito ng iba pang komunidad sa bansa upang mas mapabilis ang proseso ng pagtuklas sa kaso ng sakit.