top of page

Turismo sa Baguio, Muling Bubuksan para sa mga Turista Mula Region 1 Ngayong September 21


Nakatakdang muling buksan ang turismo ng Baguio City ngayong September 21, ngunit ekslusibo lamang para sa mga turista mula sa Region 1.

Pinayagan na ng city government ng Baguio ang pagtanggap ng mga turista bilang bahagi ng kanilang hakbang upang muling buhayin ang kanilang ekonomiya sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa dulot ng pandemyang kasalukuyang nararanasan.

Bahagi ang Baguio, La Union, Pangasinan, Ilocos Norte at Ilocos Sur sa tinatawag na “Tourism Bubble” ng Department of Tourism na may layong ibangon at muling palakasin ang ekonomiya ng mga naturang lugar ngayong panahon ng pandemya, ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Plano namang buksan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga piling tourist spots at tumanggap ng hindi lalagpas sa 200 turista kada araw ngunit kakailanganin parin ng mga itong sumailalim sa swab o antigen test bago makapasok sa lungsod.

bottom of page