Turismo sa Batanes, Nananatili paring Nakasarado

Bagama’t ang ibang destinasyon sa bansa ay unti-unting binubuhay sa kabila ng pandemyang kinakaharap ay nananatili paring sarado ang Batanes para sa turismo nito.
Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, ang resulta ng kanilang naging pagpupulong kasapi ang iba’t ibang kinatawan ng lokal na pamahalaan ng probinsya sa pagpapaliban ng pagbubukas ng turismo sa kanilang bayan ay isa sa mga payak na desisyon upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.
Sa kabilang banda, umabot na sa halos 1,500 manggagawa ang nawalan ng trabaho sa naturang lugar at mayroong tinatayang 10,000 maliliit na negosyo ang nabigyan ng pinansyal na tulong mula sa kanilang lokal na pamahalaan.