top of page

Type 'O' Blood, mas Mababa ang Tsansa na Mahawa ng COVID-19


Base sa preliminary study ng isang biotechnology company na 23andMe, napag-alaman na ang mga may O blood type ay mas mababa ang tsansa na mahagip ang coronavirus.

Sa pagsusuri ng mahigit na 750,000 na katao, lumalabas na mas mababa ng 9% to 18% ang posibilidad ng mga may blood type na O na magkaroon ng COVID-19.

Samantala, ang mga naexpose sa COVID-19 positive na may O blood type, ay may 13% to 26% lamang na risk rate sa pagkakaroon ng naturang disease, mas mababa kumpara sa ibang mga blood type.

Matapos ipasagot ng 23andMe ang questionnaire sa mga respondents, lumalabas na mas kakaunti ang mga COVID-19 positive sa ilalim ng O blood type na nasa 1.3% lamang kumpara sa A na may 1.4% at B at AB na 1.5%.

bottom of page