top of page

UAE Government, Nagbigay ng 7-Metric Tons na Medical Supplies sa Pilipinas

Mismong si Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang sumalubong at tumanggap ng 7-metric tons na medical supplies para sa mga frontliners ng bansa na patuloy na nilalabanan ang COVID-19.


Ang mga medical supplies na ito ay inihatid ng United Arab Emirates (UAE) government. "UAE is a true model of generosity and humanitarian assistance" ani sa tweet ng DFA Philippines.


Ayon pa sa tweet ng DFA, kasama rin sa mga sumalubong sa UAE government sina DOH Sec. Francisco Duque at National Task Force Against COVID-19 chief implementor Sec. Carlito Galvez.


Pinasalamatan naman ng DFA ang UAE government sa pinaabot nitong tulong sa mga frontliner ng bansa.



bottom of page