Unang Babaeng Kabataan Representative, Hinirang na One Young Politicians of the Year Awardee


Photo from Facebook.com/sjielago

Napili si Kabataan party-list Representative Sarah Elago bilang isa sa limang hinirang na ‘One Young World Politicians of the Year’ Awardees ng One Young World, isang global forum para sa young leaders.

Itinaas ni Elago ang bandera ng mga kababaihang Pinay bilang pinakaunang female representative ng Kabataan youth party-list. Siya rin ay parte ng 12 House Committees, ang pinakabatang Board of Trustees ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development, isang miyembro ng ASEAN Parliamentarians for Human Rights, at nagsisilbing Ambassador ng iba’t-ibang non-profit organizations.

Pinili ang mga nanalo mula sa mga namumukod-tanging politiko na may edad 18-35 at

ginagamit ang kanilang posisyon upang makatulong sa kabataan sa kanilang bansa.

Maliban kay Elago, hinirang din na One Young World Politicians of the Year sina Erik Marquardt ng Germany, Joana Mamombe ng Zimbabwe, Michael Tubbs ng USA, at Zarifa Gharafi ng Afghanistan.