top of page

Unang Babaeng Naglakad sa Kalawakan, Nakabaybay sa Pinakamalalim na Bahagi ng Mundo


Photo from Enrique Alvarez/EYOS Expeditions

Muling gumawa ng World record si Dr. Kathy Sullivan, isang dating astronaut mula sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) na siyang unang kababaihan na naglakad sa kalawakan, at ngayon, ang unang babaeng nakarating sa Challenger Deep, ang pinakamalalim na bahagi ng mundo.

Ang 68-anyos na oceanographer at astronaut na si Sullivan ay makasaysayang nagtungo sa Challenger Deep na tinatayang nasa 36,200 feet ang lalim mula sa Pacific Ocean.

Gamit ang submarine na Limiting Factor, na pag-aari ni Victor Vescovo, ang founder ng Caladan Oceanic at kaibigan ni Sullivan, buong tapang na hinamon ng hybrid oceanographer at astronaut na ito ang kaniyang sarili upang muling lumikha ng kasaysayan.

Samantala, kasama si Sullivan at iba pang iimbitahan ni Vescovo sa kaniyang proyektong Ring of Fire Expedition kung saan lilibutin nila ang iba't ibang lokasyon na hindi pa napupuntahan ng tao.

bottom of page