top of page

Unang Video Game na Pwedeng Gamiting Gamot sa ADHD, Aprubado sa U.S.


I-rereseta na ng mga doktor sa Estados Unidos ang video game EndeavorRx matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang laro upang panggamot sa attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) ng mga bata sa bansa.

Ayon sa FDA, ang larong binuo ng Akili Interactive Labs sa Boston ay tutulong sa paggamot ng mga sintomas ng ADHD sa mga batang edad walo (8) hanggang labingdalawa (12) na nakararanas ng mga sintomas ng ADHD.

Ito ang unang video game na pinahintulutan ng ahensiya upang gamitin sa paggamot ng nasabing sakit na kadalasan ay nakikita sa mga bata.

Ito din ang unang game-based therapy na pinayagan ng FDA sa merkado.

bottom of page