top of page

UNHCR, Nag-Donate ng Biohazard Protection Supplies para sa COVID-19 Frontliners sa BARMM


Photo from bangsamoro.gov.ph

Nag-donate ang United Nations High Commissioner for Refugess (UNHCR) ng higit 30 kahon ng mga biohazard protection supplies para sa Bagsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bilang tulong upang mas paigtingin pa ang pagsugpo ng rehiyon sa COVID-19.

Tinanggap naman ni Chief Minister Hadji Ahod Ebrahim ng Bangsamoro government mula kay Mohamed Abdel Wahab bilang kinatawan ng UNHCR ang 30 boxes ng biohazard protection supplies na naglalaman ng face shields, masks, gloves, shoe linings at iba pang pangunahing pangangailan ng mga COVID-19 frontliners sa panahon ngayon ng pandemya.

Kabilang sa mga tinutulungan at binibigyang pansin ng humanitarian programs ng UN ay ang mga komunidad ng Muslim, Kristiyano at Lumad sa Autonomous Region in Muslim Mindanao noon pa man bago pa ito maging BARMM.

bottom of page