top of page

Unibersidad ng Pilipinas, Nasungkit ang 65th Place sa Asia University Rankings


Ninampasan ng University of the Philippines (UP) ang 30 pwesto sa pinakahuling Times Higher Education (THE) Asia University Rankings nang makamit nito ang 65th place ngayong taon mula sa dati nitong 95th place noong 2019.

Ito na ang pang-apat na pagkakataong napabilang ang national university sa THE Asia University Rankings simula nang masali ito noong 2017 at nananatiling may pinakamataas na ranggo sa mga unibersidad sa Pilipinas.

Maliban sa UP, muli ring pumwesto ang De La Salle University (DLSU) sa 301-350 na saklong ng THE Asia University Rankings at ito pa rin ang nag-iisang pribadong unibersidad sa bansa na napasama sa ranggo.

Katulad ng World University Rankings, ginagamit din ng THE Asia University Rankings ang citations, industry income, international outlook, research, at teaching bilang kanilang pamantayan.

bottom of page