Unli-Flights, Alok ng mga Airlines sa China

Walong Chinese airlines na nag-aalok ng murang fly-all-you-can promos na layuning maengganyo ang mga taong muling magbiyahe pagkatapos alisin ang coronavirus lockdown.
Layunin din ng mga kakaibang deals na muling buhayin ang domestic aviation sector ng bansa na lubhang natamaan sa mga pagbabawal na dala ng COVID-19 pandemic.
Loob lamang ng starting price na 1,588-yuan o P11,120, na magagamit sa pagitan ng isang buwan hanggang isang taon, mayroon ng unlimited flights ang isang tao sa loob ng 31 na araw.
Ayon sa Civil Aviation Administration of China (CAAC), nalugi ng nasa 34.25 billion yuan o P240 billion ang aviation industry ng bansa matapos nitong magpatupad ng travel restriction upang maiwasan ang lalong pagkalat ng pandemiya.
Unti-unti naman ng nakababawi ang China at ngayon ay naibalik na ang daily flights sa 80% ng kanilang flights noong wala pang virus.