• Estephany Rivera

UP College of Law, Kampiyon sa isang Moot Court Competition sa South Africa


Photo from UP College of Law.

Idineklarang bilang kampiyon ang University of the Philippines (UP) College of Law sa nagdaang ‘After Jessup’ International Moot Court Competition Ng International Association of Law Schools sa South Africa.

Kinatawanan ng UP law team ang Pilipinas sa virtual competition matapos nitong manalo sa National Jessup Cup round at After Jessup Asia-Pacific rounds.

Maliban sa pinakabagong Jessup kompetisyon, kampiyonato din ang UP Law sa Stetson Annual International Environmental Law Moot Court Competition at Oxford UK Moot Court.

Binubuo ang UP law team nina Team Captain Leslie Diane Torres with members Abelardo Hernandez, Anton Miguel Sison, Therese Ravina, at Bianca Isabella Ortiz.

Samantalang nagsilbing coach at moderator naman ng grupo si Prop. Rommel Casis na tinulungan nina Lee Edson Yarcia, Gemmo Fernandez, and Marianne Vitug.