top of page

UP Visayas Website, Isinara Pagkatapos Ma-hack


Photo from facebook.com/U.P.Visayas.Official

Pansamantalang ibinaba ng University of the Philippines Visayas ang kanilang web server pagkatapos mapasok ng mga hackers ang website nito noong Hunyo 11.

Nag-iwan ang mga hacker ng isang sulat na website ‘Website Breached by You Know Who.’ at sinabing nilalagay raw ng UPV ang kanilang mga estudyante sa peligro at sana’y magsilbing babala ang kanilang cyber-attack.

Sa isang facebook post ng UPV, sinabi ng unibersidad na nagsasagawa na sila ng security audit sa lahat ng kanilang sistema at sinisigurong wala ng iba pang pinsalang magagawa ang mga hackers.

bottom of page