top of page

UPLB, Nagbukas ng Molecular Laboratory para sa COVID-19 Testing


Pormal nang binuksan ang operasyon ng University of the Philippines Los Baños para sa kanilang COVID-19 Molecular Diagnostics Laboratory (UPLB-CMDL) sa naganap na Inauguration ceremony nitong Martes matapos ang ilang buwang pagsusumikap.

Sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross, ang UPLB-CMDL ay magsisilbing subnational testing center ng Region 4-A partikular na ang laguna at mga karatig probinsya upang mapadali ang pagtuklas ng kaso mula sa sakit.

Ayon sa pahayag ni UP President Danilo L. Conception, lubos siyang nagpapasalamat sa pakikipagtulungan ng local at national government upang maisakatuparan ng UPLB ang proyekto at patuloy aniya na tutugunan ng unibersidad ang higit na kailangang testing facility bilang hakbang ng bansa sa pagsugpo nito sa COVID-19.

Noong nakaraang June 29, nakatanggap ang UPLB-CMDL ng sertipikasyon at License to Operate mula sa Department of Health matapos magkaroon ang unibersidad ng sapat na laboratory analysts at medical technologists para sa kanilang COVID-19 testing facility.

bottom of page