US, Bubuwag na mula sa WHO

Nagpadala na ang United States of America sa World Health Organization (WHO) ng isang formal notice na nagpapaalam ng pagbuwag nito mula sa organisasyon simula noong July 6, 2021.
Matagal ng ipinangako ni US President Donald Trump ang pag-alis ng Ustados Unidos sa WHO at binatikos ang mga kilos ng WHO sa isyu ng COVID-19 at pagkampi nito sa China.
Sinabi naman ni U.N. Secretary-General Antonio Guterres na nasa proseso na ng beripikasyon ang request ng US kung lahat ng condition for withdrawal ay pasado.
Samantala, ipinarating naman ni Presidential Nominee na si Joe Biden na kung siya raw ay mananalo, ibabalik niya ang Ustados Unidos sa WHO.