US Nagdonate ng Karagdagang P10 Milyon para sa Medical Supplies Laban sa Covid-19
Nagbigay ng karagdagang P10 milyong piso na medical supplies ang gobyerno ng United States laban sa coronavirus disease para sa mga Filipino health workers na siyang nagsisilbing frontliners sa mga panahong ito.
Sa tulong ng US Embassy at Department of Health (DOH) sa bansa ay matagumpay na naihatid ng mga US soldiers ang bagong batch ng personal protective equipment at medical supplies sa mga ospital ng 10 probinsya sa bansa.
Ayon sa US Embassy, ang donasyon ng mga PPEs at iba pang essential equipment sa mga medical clinics at ospital sa bansa ay pagpapakita ng suporta sa mga nangungunang sundalo o frontliners sa panahon ngayon, ang mga health workers.
Higit sa tinatayang P780 million na ang naging tulong ng US para sa COVID-19 assistance sa Pilipinas.
