UST Tigers, Naghahanap ng Bagong Coach

Nag resign na bilang Head Coach ng UST Growling Tigers si Coach Aldin Ayo matapos ang pagiging controversial nito dahil sa maagang pag Bubble Training sa kanyang mga players ng USTE.
Sa kasalukuyan, ay naghahanap ang Growling Tigers ng papalit kay Ayo kung saan nais ng management ay familiar sa kanila at mga dating players rin nila ang posibleng kunin kapalit ni Coach Aldin.
Kabilang sa mga pinagpipilian ay sina Coach Siot Tanquingcen, Chris Cantonjos, at Estong Ballesteros. Ang mga nabanggit ay pawang naging manlalaro ng USTE, champion players at Alumni team.
Si Tanquingcen ay parte ng team sa pagkapanalo sa UAAP na may 56 title, at 14-0 sweep noong 1993. Pagkatapos ng kanyang coaching career sa amateur ay naging head coach siya ng San Miguel Beer at Ginebra na napa champion niya.
Habang si Ballesteros ay nakasama sa pag champion ng UST noong 1995-1996. Naging assistant coach ni Coach Pido Jarencio, sa pag lipat ni Jarencio sa GlobalPort Batang Pier sa PBA, si Estong humalili sa Growling Tigers.
Pagkatapos sa UST ay naging Asst. Coach si Ballesteros sa University of The East at Head coach rin ito ng Junior team ng UE sa UAAP 82nd season.
Isa pang napipisil itong si Cantonjos na nakapagbigay rin ng tatlong titulo at naging MVP nung 58th UAAP season 1995. Naging assistant coach rin siya sa Tigers Clubs mula noong 2010, na naging head coach ng team mula sa 2016- hanggang 2017 na may record na 15-16.