top of page

UV Express at Traditional Jeepneys, Balik Operasyon na sa NCR sa Susunod na Linggo


Magbabalik operasyon na ang mga UV Express at tradisyunal na pampasaherong jeep sa buong National Capital Region (NCR) matapos kumpirmahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na papayagan na ang mga nasabing pampublikong sasakyan na umarangkada muli sa kalsada sa susunod na linggo.

Kinumpirma ni LTRFB chairman Martin Delgra na pinapayagan na ang mga UV Express units at traditional jeepneys na magbalik operasyon sa kalsada pagkatapos ng higit tatlong buwan na pamamahinga bunsod ng krisis na kinakaharap ng bansa matapos ang pagdinig ng ahensya mula sa House Committee on Metro Manila Development.

Matatandaang itinigil ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa buong Metro Manila at ilang parte ng bansa noong kalagitnaan ng Marso dahil sa paglaganap ng kasalukuyang pandemya.

bottom of page