UVC Sanitizers, Maaaring maging Peligroso sa Kalusugan

Binalaan ng US Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa panganib na pwedeng dala ng paggamit ng Ultraviolet light UVC sanitizers bilang COVID-19 disinfection tool.
Ayon sa FDA, hindi pa klaro kung hanggang kailan ang bisa ng UVC lamps at maaari itong
magdulot ng peligro sa kalusugan ng mga tao.
Dagdag ng ahensiya, wala pang sapat na nailathalang pananaliksik sa bisa ng UVC lamps sa pagpatay sa SARS-CoV-2 virus at hindi raw nito mapapatay ang mga virus na natatakpan ng alikabok o ‘di kaya’y nakabaon sa pores ng isang bagay.
Maliban dito, sinabi din ng FDA na maaaring magdulot ng ‘painful eye injury, and burn-like skin reactions’ ang direktang exposure sa UVC rays.
Naglalaman din umano ang ilang UVC lamps ng nakamamatay na lason na Mercury, kaya pinapaalala ng FDA na magdoble-ingat sa paglilinis at pagtatapon ng mga ito.
Pinag-iingat din ng World Health Organization (WHO) ang publiko matapos maiulat ang pagsabog ng ilang mga produktong sinasabing panlaban ng coronavirus tulad ng germicidal lamps.