Veterinarians, Ipinaglalaban ang Kanilang Pagiging Frontliners

Inilabas ng isang veterinarian sa Caloocan City ang kaniyang saloobin matapos umano nitong makatanggap ng diskriminasyon mula sa quarantine protocols officers ngayong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon kay Dr. Norbert Robles, nakikipag-away pa raw ang mga opisyal, mula sa national at local level, at sinasabing hindi sila frontliners dahil ang mga pasyente nila ay ‘hayop lamang’.
Dagdag pa ni Robles, ilang kapulisan raw sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila ang ayaw silang padaanin dahil hindi pamilyar ang mga ito sa kanilang trabaho.
Sa ilalim ng isang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), itinuturing na essestial medical facilities ang mga veterinary clinics at pinapayagan mag-operate ang mga ito sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ng beterinaryo na madalas raw hindi nabibigyan ng halaga ang kanilang propesyon sa medical field ngunit diing niya na pareho lamang ang kanilang mga hanagarin— ang sumagip ng buhay.