top of page

Video Game Developers sa Bansa, Nangangailangan ng Mahigit 2,000 Professionals sa Gitna ng Pandemic


Bunsod ng sumisipang bilang ng mga gamers sa bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic, sinabi ng Game Developers Association of the Philippines (GDAP) na nangangailangan sila ng nasa 2,000 katao upang magtrabaho para sa industriyang ito. Ayon kay GDAP president si Alvin Juban, kahit kakaunti pa lamang ang mga game developing company sa bansa, patuloy na lumalaki ang programming, quality assurance services, art services at game support at ito ang highest-paid business process outsourcing (BPO) job. Dahil dito, sinabi niyang mas mahusay ang mga Pinoy sa art kaysa programming kaya naman inaasahan ng GDAP na hindi magtatagal, mas lalaki pa ang industriyang ito sa bansa.

bottom of page