top of page

Vietnam at Pilipinas, Nagkasundo sa Isang Bilateral Cooperation Kontra COVID-19


Bilang bahagi ng pinaigting na bilateral at regional cooperation ng dalawang bansa, ginarantiya ni Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc na patuloy na makapag-aangkat ang Pilipinas ng supply ng bigas mula sa Vietnam sa kabila ng krisis na dulot ng COVID-19.

Dahil dito, pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Phuc sa seguridad na ito, yamang ang Vietnam ang intinuturing na pinakamalaking source ng rice import sa bansa.

Pinuri din ni Pangulong Duterte ang Vietnam dahil sa epektibo nitong paglaban sa COVID-19 na nagkaroon lamang ng 327 na kaso at 0 deaths.

Samantala, kinomendahan naman ni Phuc ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa "comprehensive approach" nito upang malabanan ang pandemic.

Dahil dito sinabi ni Pangulong Duterte na bahagi ng bilateral communication na maaaring magbahagi ang dalawang bansa sa isa't isa ng kanilang "best practices."

bottom of page