top of page

Virgin Coconut Oil, Napag-alamang Epektibong Lunas para sa mga Mild Patients’ ng COVID-19


Nagresulta na epektibo at nakamamanghang epekto ang pagsasaliksik ng Department of Science and Technology (DOST) sa virgin coconut oil (VCO) bilang lunas sa mga COVID-19 mild patients.

Ayon sa pahayag ni DOST Secretary Fortunato "Boy" de la Peña, marami ang naka-recover na mild patients sa Sta. Rosa Community Hospital dahil sa pagpapagamit sa kanila ng virgin coconut oil.

Ang pamamaraan ng pananaliksik ay ang paglalagay ng VCO sa pagkain ng bawat pasyente, tatlong beses sa isang araw, sa loob ng 28 days, at saka susukatin ang kanilang kondisyon mula day zero, patungong day 14 at 28.

Dagdag naman ni De la Peña, naghahanap pa ng mas maraming pasyente na makikibahagi sa pag-aaral nito upang mas magkaroon ng komprehensibong resulta ang pagsasaliksik sa VCO bilang lunas sa mild COVID.

bottom of page