• Estephany Rivera

Voter Registration, Ipagpapatuloy sa Hulyo


Inanunsiyo ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez ang pagpapatuloy ng voter’s registration activities sa Hulyo matapos isuspinde ang rehistrasyon noong March 9.

Sinabi ni COMELEC Executive Director Bartolome Sinocruz, Jr., gagamitin ng ahensiya ang natitirang panahon upang ihanda ang anti-COVID-19 measures na gagamitin sa itutuloy na registration.

Inanunsuyo din ng ahensiya na gagamit ng ‘No Face-to-Face Transactions’ policy ang lahat ng mga opisina nito sa muling pagsisimula ng rehistrasyon.

Isasagawa umano ang registration ng publiko sa pamamagitan ng letter, email, at fax.