top of page

VP Leni, Nanawagan sa mga Employer at Negosyante Ukol Sa Pagpapaliban ng 13th Month Pay


Nakatawag ng pansin ni Vice President Leni Robredo ang plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na payagang iantala ng mga ‘distressed’ companies sa pagbibigay ng mga ito ng 13th month pay para sa kanilang mga empleyado ngayong panahon ng pandemya.

Dahil dito, nanawagan ang Bise Presidente sa lahat ng employer at negosyante na huwag samantalahin ang oportunidad at ipagpaliban ang pamamahagi ng 13th month bonus para sa mga mangagawa ngayong mayroong kinakaharap na krisis ang bansa.

Hinikayat naman ni Robredo ang manggagawang Pilipino na pansamantalang maghipit ng sinturon ngayong nasa proseso pa lamang ng pagbangon ng ekonomiya ang ilang sektor ng pamahalaan, at iba pang apektadong industriya sanhi ng paglaganap ng pa pandemya sa buong mundo.

bottom of page