top of page

VP Robredo, Magbubukas ng Temporary Shelters para sa mga Medical Workers ng NKTI


Photo from Office of the Vice President.

Planong magbukas ni Vice President Leni Robredo ng temporary shelters para sa mga medical frontliners ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ngunit wala pang petsa kung kailan ito sisimulan.

Mayroong apat na shelters ang ipatatayo ni Robredo sa naturang institusyon bilang tulong sa mga medical frontliners na gustong magpahinga pansamantala.

Bukod sa planong pagpapatayo ng lugar pahingahan ng mga medical workers sa NKTI ay matatandaang nakapagpatayo na ng temporary shelters ang Bise Presidente sa apat na ospital sa National Capital Region (NCR), kabilang sa mga ito ay ang Lung Center of the Philippines, Quirino Memorial Medical Center, Manila Doctors Hospital at Chinese General Hospital.

Layunin ng Office of the Vice President (OVP) na bigyan ng matutuluyan ang mga health workers sa panandaliang pagpapahinga ng mga ito sa kabila ng paglaban sa pandemyang kasalukuyang nararanasan ng bansa.

bottom of page