VP Robredo, Nagtatag ng Free Shuttle Service sa Cebu City

Nagtatag si Vice President Leni Robredo ng free shuttle service para sa mga frontliners ng Cebu City na kasalukuyang nasa ilalim ng mahigpit na restriksyon ng enhanced community quarantine matapos ang hindi inaasahang paglobo ng kaso ng coronavirus sa lugar.
Bubuksan ang tatlong ruta para sa libreng shuttle service ng Bise Presidente sa buong lungsod ng Cebu na mayroong dalawang biyahe kada araw.
Bahagi ng Bayanihan Sugbuanon ang libreng shuttle service na itinatag ni Robredo sa Cebu City na may layong tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tinaguriang frontliners sa panahon ng pandemya.
Kabilang sa programang ito ang libreng dormitoryo para sa health workers, medical practitioners at iba pang uri ng frontliners na may mahalagang serbisyo sa kasalukuyang kinakaharap na krisis ng bansa.
Nanatili parin sa klasipikasyon ng Enhanced community quarantine ang Cebu City ngunit hangad ng mga residente rito ang maayos na pamumuhay sa kabila ng mahigpit na restriksyon ng quarantine sa kanilang lugar.