• Malou Manuel

"Wala munang Coaches sa Ensayo ng mga PBA Teams"

Updated: Jun 10


Dahil sa limitado lamang ang tao sa pag papa conditioning at training, nagsumite ang liga sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na wala munang coaches sa ensayo.


Ayon kay PBA Kume Willie Marcial, hindi na muna kailangan ang presensiya ng mga coaches sa ensayo.


"Hindi muna pupunta ang mga coaches sa practices. Conditioning pa lang naman.", ani Marcial.


Sa ilalim ng guidelines, apat na players lamang, kasama ang isang trainer at isang health officer, ang papayagan ‘by batches’ sa loob ng training facility.


Wala munang isasagawang mga scrimmages kaya hindi na kaila­ngan ang presensiya ng mga coach.


Sa sandaling ibalik ang normal practices, maging ang mga coach at kanilang staff ay kailangang sumailalim sa COVID-19 testing tulad ng mga player.


“My understanding is that kapag untested, they (coaches) won’t be allowed to enter sa practice ng team,” sabi ni PBA Board chairman Ricky Vargas