top of page

Walang Bakuna, Walang Pagbubukas ng Klase

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang magbukas ang mga paaralan at unibersidad sa bansa hangga't walang bakuna ang nagagawa para labanan ang COVID-19.

Dagdag pa niya, hindi dapat ikompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante para lamang makabalik sila agad sa pag-aaral.

Prayoridad daw sa ngayon ng pangulo ang pagkakaroon ng bakuna kaysa sa mga usapin tungkol sa kung kailan pwedeng magkaroon ng mga klase.

Samantala, nilinaw naman ng Department of Education at Commission on Higher Education na ang kanilang inanusyong pagbabalik-eskwela sa Agosto ay hindi nangangahulugang magkakaroon ng physical contact agad ang mga estudyante sa paaralan.


bottom of page