Wendell Ramos, Certified Bumbero na!

Opisyal nang inanunsyo ng 41 anyos na aktor na si Wendell Ramos sa kanyang social media account na isa na siyang firefighter matapos ang kanyang naging pagsasanay sa Ang Bumberong Pilipinas (ABP).

Ang ABP ay isang non-government organization kung saan may layuning pag-isahin at magbigay ng sapat at pinakabagong impormasyon patungkol sa mga grupo ng firefighter o bumbero sa buong Pilipinas.

Kamakailan ay nagkaroon ng courtesy call si Wendell sa opisina ni Manila Mayor Isko Moreno at labis naman na pinasalamatan ng aktor ang alkalde sa pagsuporta nito sa grupong ABP na kanyang isinusulong kasama ang ilan sa mga kaibigan nito.

Sa naging post ng aktor sa kanyang social media account ay lubos siyang nagpahayag ng pasasalamat at pagsaludo sa lahat ng bumbero sa bansa.